ito yung indie tiangge table nung komikon. haba, no? ang saya nitong pinakahuling komikon. bagamat sariwa pa ang alaala ni ondoy, marami paring dumalo at nagpamalas ng kanilang pagmamahal sa komiks. hitik din sa mga bigating comics release: el indio , 100 years of philippine komiks and cartoons , trese vol.3 , where bold stars go to die , elmer collected edition , 12 , underpass ... whew! parang kabute ang mga "instant classic" nitong komikon. i've never seen anything like it. doon naman sa aming sulok ng indie tiangge, marami akong nakilala at nakausap na mambabasa ng ang maskot at operasyon , at yung iba'y nagpakuha pa ng litrato. it was truly awesome meeting all you guys en gels. kwentuhan ulit tayo sa susunod. talagang namigay ako ng mga tshirt, ha? eto'ng katibayan. sensya na sa mga naubusan. shout outs also to my indie table neighbors, sina bien "as seen on front act with mike & stanley" del rosario at mga kick "kayo nanaman?" ...